Tuesday, August 27, 2013

Asan ang Pera ko????

Siyam na taon na akong nagtratrabaho, kung isasama ang ilang mga sidelines ko, halos buong buhay ko nagbabanat ako ng buto. Ang kinikita ko mula nuon hanggang ngayon, nagprogreso man, hindi pa ren sapat para masabi kong hindi maghihirap ang mga anak ko. Hindi ko na halos tingnan ang payslip ko kada sweldo, hindi ko ren kasi magawang invisible sa paningin ko ang buwis na kinakaltas saken.

Nakakasama lang talaga ng loob, halos ngumalngal ako sa balitang ang buwis na sapilitang kinakaltas saken ng aking kumpanya dahil sila ay matuwid na institusyon ay nasa bank account lang ng mga baboy. Para akong tanga habang umiiyak, naiisip ko kasing bakit ko to iniiyakan. Pero sobrang nakakasama lang talaga ng loob.

Habang ang mga anak ng mga gahaman na ito ay naglulustay ng pera sa mga walang kakwenta kwentang handaan at luho mula sa buwis na isa ako sa umaambag, pinagtatalunan namen ng asawa ko kung bakit ko ipinasok sa mamahaling eskwelahan ang anak ko. Paano daw kung hindi namen kayanin ang pagbabayad dahil hindi kame mayaman at wala kameng mayamang magulang na tutulong sa amin o  mag-iiwan man lang ng mana?

Simple lang ang pangarap ko, gusto kong makapag aral ang anak ko sa magandang eskwelahan, simpleng pangarap na kailangan ko pang paghandaan sa isip, sa salita at sa lakas ng katawan kung kaya ko ngang mapanindigan hanggang sa sila ay magsipagtapos.

Sobrang saklap lang, kasi yung buwis na kinakaltas saken, nuon pa man, pakiramdam ko sobra sobrang ambag na sa kaban ng bayan kumpara sa natatanggap kong tulong sa gobyerno. Oo, bunga ako ng pampublikong paaralan at State University. Pero hello, sa kakarampot na kita ng tatay ko nuon, nagkakaltas pa ren ng buwis ang gobyerno. QUITS PO TAYO, baka nga abunado pa tatay ko.

Pero ako, ano bang pakinabang ko sa gobyerno? Sa ilang taon kong pagtratrabaho at pagbabayad ng di birong buwis, nasan ang pakinabang ko? Minsan na akong naholdap sa Kalookan galing sa trabaho dahil wala namang kapulisan na nagbabantay sa gabi. Wala reng pailaw sa daanan ng mga pampublikong sasakyan kaya parang nagtatawag lang kame ng holdaper sa jeep. Ang tinirhan kong squatters area, ni hindi pansinin ng lokal na pamahalaan kung di ren naman eleksyon. Hanggang ngayon kapag dumadalaw ako sa kinalakhan kong lugar na iyon, ni hindi man lang nagawang patambakan ng gobyerno ang daanan para kahit papano ay di bahain. Para pang lalong lumulubog at gusto na lang yata nilang tanggalin sa mapa ng Kalookan ang lugar namen. 

Ng lumipat naman ako sa Cavite, araw araw nagdaraan ako sa matraffic na daan sa Aguinaldo High Way, kung mamalasin ka at tag-ulan, hindi ka nga makakadaan dahil baha na sa Bacoor. Halos masira ang dumadaang mga sasakyan dahil sa baku-bakong semento na ni hindi man lang maipaayos ng gobyerno.

Madalas akong mamasahe kapag papasok sa trabaho at traffic sa Coastal at EDSA pa ren ang naghihintay sa akin. Minsan nga, kung halos di ko magawang hilahin ang katawan ko sa kama dahil sa sarap matulog, binubulong ko na lang sa sarili kong sa bus na lang ituloy ang pananaginip... dalawang oras na byahe ay napakaswerte na para makarating ng Ortigas!

Ang libre at pampublikong edukasyon na sana ay mapapakinabangan ng mga anak ko, ni hindi ko naman din maatim na gamitin. Hindi ko minamaliit ang mga guro sa pampublikong paaralan, pero ang hindi ko magawang iparanas sa anak ko ay ang siksikang silid aralan, agawan ng mauupuan o kung mamalasin pa, dahil sa animnapu (60) at higit pang mag-aaral sa isang seksyon, (di pa todo yan… sabay napakaraming seksyon sa isang baitang o antas) ay sa labas na sila magdaraos ng klase.

Nakakapanlumo reng makita ang kinakalawang nateng mga kagamitan sa sandatahan at kapulisan. Mga pinaglumaan at itinatapon ng ibang bansang sandata na binibili ng gobyerno… sa tuwing makakarinig akong nagkakagirian na ang mga sundalong Pilipino at Instik na nagbabantay sa pinag-aagawang isla, natatakot akong matuluyan ito sa gyera. Paano tayo maipagtatanggol ng karag-karag na sandata?

Ang agrikulturang halos mamatay na dahil hindi man lang masuportahan, naghihingalo na nga, binabagyo pa. Ang nakakatawa pa, ang mga likas na yaman na dapat ay pag-aari ng Pilipinas at taong bayan, ilang bundok na ba ang nabenta sa mga mayayaman at pribadong negosyante? Paano ito napapatituluhan? Tanginang yan!

Nasan na ang buwis ng mga Pilipino? Nasan na ang buwis ko? Nasan yung kinakaltas saken kinsenas katapusan na makakabayad na sana ng tuition fee ng anak ko kung iipunin ko! Na siguro kung tyatyagain ko ay makakaipon na ng pambili ng materyales ng bahay para naman mas mapaayos ko pa ang tinitirhan ko. Marami na sana akong ipon para sa kinabukasan namen ng pamilya ko. 

Lintek na yan, ibang kinabukasan ang iniipunan ko. Kinabukasan ng mga gahaman at walang budhing pulitiko at mga alipores nito.

Lagi kong sinasabi, bakit ang laki laki naman ng kinakaltas pero ang liit liit naman ng progreso ng bansa ko. Bakit kahit pataas ng pataas ng nakukuha sa akin, sa aming mga manggawa ay parang pahirap ng pahirap pa ren ang buhay ng mga kapwa ko Pilipino?

Asan ang pera ko? Asan ang pera ng mga Pilipino?

Thursday, August 22, 2013

The 7 Day Juicing Experience


Oh yes, I am also jumping in to the juicing thing. It was something I have to make myself prepare... "Heart - Mind - Tummy". Of course, my heart is that willing, my mind hesitates and my tummy growls in anger. So i talked to them calmly, then we started the journey.

One of my issues was the juicer itself. I don't have one. While preparing myself to all of this juicing thing, I was out trying to figure which one should I buy. I went to the nearest appliance center and yet it was all high end that my budget can't afford one. My mind was actually telling me not to do it now, because of the financial issues and I am already having discouraging thoughts too. It was then that I attended a baptismal and I had to buy a present that I bump into this juicer. I had it at a very affordable price but the thing is it never last that long :(. 

Day 1:

Is a disaster. My low budget juicer failed juicing. So I had to run to the nearest store to buy my juicer (ok don't judge me) it is just the preparation that I have felt this need to finally buy something better than what my budget can afford. It was a mid class now. Hehe. Finally the journey begins. Hello juicing!


Yeah, a little messy here and there :)

Day 2:

Oh yes, I am getting a hang of it now. I've already found a way to systematically organize my juicing process. See below for me that day ;)


Day 3:

Is a good day. I am now friends with my juicer and we are now in harmony with our daily tasks. Today, juicing is a little more comfortable. I was able to finish it in no time. Well, if you're thinking of asking me how's my tummy doing today, I'll answer you. It's fine :). There are few frustrations of course specially when you see your housemates eating but certainly I am not that hungry. Yes, you may want to give in to temptations and eat suddenly, but then again what's the point right? The only close encounter I have in real food is when I prepare hubby's dinner baon which of course I need to taste. Down there you'll see my Day 3 face... Lol. Don't get discourage if you find it somewhat ugly, it is just that it's my regular "no-make-up-look-face-because-im-home-and-i-just-want-to-feel-confortable" selfie. I also took a picture of my dinner for the day cooking, which I am not sure if you will find offensive knowing that this has to be food porn free write up. ;)


Oh, by the way this is how I organize my juicing. The top is my fruit and veggie basket (don't get scared with the brocolli, I think my housemate just placed it there with the thought that all veggies should go there... Hehe). At the bottom is the prep veggies and fruits... I prepare next day juices in the afternoon of the current day so I wont feel terribly annoyed not getting something for my tummy when it started growling. 


And yes, I am a bit energetic now, as you can see, I tap more words today too ;) (By the way, I write daily so I won't forget what happen.. Haha)

ooopsies. Sorry, I became so busy that I wasnt able to follow up on this article. But to tell you some result, I was able to trim down my waist line from 34 to 31. So I think it was effective ;-)





Wednesday, July 17, 2013

The Pepper Plate App

So, trying to be a full time mom has its perks too... Like actually and technically having that opportunity to discover the organizer in you. 

Since my husband and my kids does need food to go, my mommy logic desires always to have an easier and wiser organized information, this means exploring of possible tools to help me by and achieve these desires. For my cooking organizer, I discovered this very useful application in ipad which is called "Pepper Plate". This application has a planner, recipe recorder, grocery list and Menu creator. You can actually plan your monthly menu and skipped the hassle of thinking adhoc what to bring into the table literally.

Below is the snapshot of the tool. I've been using the planner and the recipe creator often since my goal is to make my cooking easier and to store therecipes I've been researching in the net.

Do you have any other useful application? Let me know!










Wednesday, June 12, 2013

Her 2nd Year in ESS

I am not sure if I can live up the school stuff blogging for my girls that's why while I still have the passion to do so... I am writing this another adventure of my eldest life in school.

She started her 2nd year in ESS last June10. It is not an overkill to say that she is overly excited coming back to school. We told her she wont be meeting her old classmates inside one classroom anymore but maybe she would bump on them along the hallways sometimes. I think she's fine with it as she didn't complain nor asked too much. Apparently, I think I am the one who's more on sad to know that her block friends last year wont be her classmate this year. (As you can see, I am still devastated)

Anyway, as said I never had issues on her during the first day. She's still excited going to school and making friends so keeping her school mood is not yet my problem at the moment. Here's Ate Teyang's classroom and some of her first day high pictures :)



Oh by the way, I have attended the parent's orientation while waiting for Ate Teyang to finish her class. They're still on shortened period since it's the first week ;) Parents meeting makes me feel old big time.



This is Ate Teyang's school stuffs. I already have most of the books and notebooks since May but I didn't put any stickers yet, I thought it would be time-saving if I do it all at once. Her identification stickers for all her things was themed to Tangled's Rapunzel since she's been addicted to her the whole summer. She was happy seeing her favorite princess gracing her school stuffs. This is one way of me encouraging her to love school and the other perks that goes with it.

H


One of my most favorite school items Ate has is her student planner. Well, I studied in public school so I don't really have that. maybe why I am kilig having that in her stuffs, aside from the notebooks with ESS logos, hahahahaha.



So here's Ate's year starter. I just hope and pray that she will do well again. Ate Teyang, FIGHTING!!!

Sunday, June 9, 2013

Goodluck, Ate!

Today is the first day of school and she's rocking the crowd again ;) Goodluck ate and may God Bless your school year. I love you!




Tuesday, May 28, 2013

On Arnold taking a jab on Vice Ganda

#JustSaying... If Arnold Clavio claims Vice Ganda's joke is bullying and he hates bullying hindi ba napakaipokrito nya to tell it in public na bakit di nalang taga-abs ang i-joke at wag yung mga taong seryoso sa trabaho nila?. So pwede i-joke kahit sino wag lang silang seryoso? Nyahahahaha. If you stand for bullying, stand for it without being selective. Jessica Soho, Nancy Binay, Kris Aquino and Boy Abunda... If he finds Vice Ganda's joke a bullying in the whole sense, you stand for everyone. If Jessica Soho feels bullied it's her right... If everyone finds the joke offensive, it's an opinion and everyone's right. If you want to defend a friend about bullying, defend her without giving names of who deserves to be bullied and who's not. Duh!


Friday, May 24, 2013

Lucky Not

It's reality that strikes me today. I think I should watch my back always from now on. I think there will be no one else to do it but myself. It's funny though how I accepted it today... no, maybe tonight.

I felt sad after realizing how after all this year, I've seen how stupid I've been. Just a few hours ago, it flashback. Yeah, you can say it is too shallow. But then again, I think it really matters to me. Like those times when he would think twice before giving me anything... or those non-committed words uttered just to make me shut up. Those times when I already chose and then he would recommend another as if what I want doesn't matter.

I felt sad, how I think I have been overwhelming happy when I saw him smiling with his new purchases. How I would encourage him to buy what he wanted and never look at the price because what matters is he was able to get what he wanted.

Yeah, I think embracing this sad facts should be what I'm doing from now on. If I want something... I should tell it to myself. If I need something, myself should buy it. If there's something I am happy about, I should discuss it to myself. I have only me now. Nothing else.

The life partner I have.... is just a mere father of my kids. Period.